×

We use cookies to help make LingQ better. By visiting the site, you agree to our cookie policy.

image

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), FILIPINO BOOK: MGA PAKIKIPAGSAPALARAN NI PILANDOK ni Wystan Dimalanta with TAGALOG Subtitles

FILIPINO BOOK: MGA PAKIKIPAGSAPALARAN NI PILANDOK ni Wystan Dimalanta with TAGALOG Subtitles

Mga Pakikipagsapalaran ni Pilandok

Halaw sa Kuwentong Bayan ng Maranaw

Mga Larawan ni Juanito Sy

Istorya ni Wystan Dimalanta

MAHIRAP PA SA DAGA ang mga magulang ni Pilandok. Sa isang maliit na kubo sila nakatira at walang anumang kasangkapan liban sa paminggalang laging walang ulam.

Lalong tumindi ang kanilang paghihirap dahil ang lahat ng ani sa mga bukirin ay kinakamkam ng malupit na sultan. Minsan, narinig ni Pilandok ang balisang pag-uusap ng magulang.

"Ako ay mahina na. Hindi na kaya ng tuhod ko ang pangangaso sa gubat. Lalong hindi ko na kaya ang mag-saka," anang ama ni Pilandok. "Paano kaya ang ating anak?"

Narinig ito ni Pilandok. Tumayo siya at lumapit sa mga magulang. "'Wag po kayong mabahala. Ako'y malaki na at nais ko'y makapagsilbi naman sa inyo. Hayaan ninyong ako ang maghanap ng ating makakain."

"Ngunit, anak, tingnan mo ang iyong katawan. Simpayat ka ng kawayan. Di mo mabubuhat ni 'sangkabang palay," pag-aalala ng kanyang ina.

"At wala kang alam sa pangangaso o gawaing-bukid. Kung sakaling makita ka ng mga tauhan ng sultan, baka mapahamak ka, anak," dagdag ng kanyang ama.

"'Wag po kayong mag-alala," hinalikan ni Pilandok ang mga magulang at nagtungo siya sa gubat.

Palibhasa'y mahina at antukin, madaling napagod si Pilandok. Nakakita siya ng isang mayabong na punong mangga na ang sanga ay may malaking bahay-pukyutan.

"Reyna Bubuyog, maaari po bang magpahinga sa ilalim ng punong mangga?" paalam ni Pilandok.

"Oo, 'yun lang pala. 'Wag mo lang kaming gagamba-lain kundi'y pupupugin ka namin," babala ng bubuyog.

Naupo si Pilandok sa ilalim ng punong mangga. Di nag-tagal ay nagdaan ang Somusun sa Alongan na galing sa pangangaso.

Nakasakay siya sa puting kabayo na may kargang isang malaking usa. Nakita niya ang nakahigang si Pilandok.

"Ano ang ginagawa mo riyan?" "Binabantayan ko po ang pamana ng Sultan."

"Anong klaseng pamana ng Sultan ang iyong binabantayan?"

"Isa pong mahiwagang gong." At itinuro ni Pilandok ang malaking bahay-pukyutan.

"Mahiwagang gong? Bakit naging mahiwaga ang gong na 'yan?" usisa ni Somusun sa Alongan.

"A, ang tunog ng mahiwagang gong ay malambing na awit na maririnig hanggang sa ikapitong kaharian.

At ang mga prinsesang makarinig dito ay tiyak na iibig sa sinumang nagpatunog nito."

"Maaari ko ba itong patunugin?" usisa ng Somusun.

"Naku, hindi po puwede," sagot ni Pilandok. "Magagalit ang Sultan. At saka mga maharlika lang ang maaaring makapagpatunog sa mahiwagang gong."

"Ngunit ako ay maharlika rin. Ama ko ang Sultan sa Agama Niyog. Ibibigay ko sa 'yo ang aking kabayo at ang nahuli kong usa kung papayagan mo akong patunugin ang mahiwagang gong."

"Talaga po bang kayo ay maharlika?"

"Oo." "Kung gayon po ay payag ako. Ngunit ako po ay aalis muna bago ninyo patunugin ang mahiwagang gong. Baka abutan ako ng mga sundalo ng Sultan. Ako'y tiyak na mapupugutan ng ulo."

"Masusunod," sabik na sagot ng Somusun. Sumakay si Pilandok sa puting kabayong may kargang malaking usa at dali-daling umalis.

Nang malayo na si Pilandok, humanap ng kahoy ang Somusun sa Alongan at pinalo ang bahay pukyutan.

Galit na galit na pinupog ng mga bubuyog ang Somusun.

Nakahapunan na ang pamilya ni Pilandok ay di pa rin makapaniwala ang kanyang Ama at Ina na siya ang nakahuli sa usa.

Nangako si Pilandok na muling mangaso para sa susunod nilang hapunan. Muling nahiga si Pilandok sa duyan at natulog.

Galit na galit ang Sultan sa Agama Niyog, nang ikuwento ni Somusun sa Alongan ang panlilinlang sa kanya ni Pilandok.

Ipinatawag nito ang kanyang mga sundalo saka ang matapang na kapatid ng Sultan — si Sabandar.

"Hanapin ninyo ang isang nangangalang Pilandok at dalhin sa akin ang kanyang ulo."

Sabay-sabay na tumayo ang mga sundalo upang sundin ang utos ng Sultan.

Samantala, muling nagawi si Pilandok sa gubat. Naka-kita siya ng punong sampalok. May nakapulupot na malaking sawa sa sanga nito.

"Haring Sawa, maaari pong makapagpahinga sa ilalim ng punong sampalok?" paalam ni Pilandok.

"Oo, 'yun lang pala. 'Wag mo lang akong gagambalain sa pagtulog kundi'y lilingkisin kita hanggang mabali ang lahat ng iyong buto."

Naupo si Pilandok sa ilalim ng punong sampalok. Di naglaon ay nagdaan si Sabandar na may dalang piling ng saging.

"Lalake, ikaw ba si Pilandok?" tanong nito pagkakita kay Pilandok. "Ako nga po."

"A, kung gayon ay humanda ka!" hinugot ni Sabandar ang gintong espada.

"Ano po ang kasalanan ko?" "Pinapupog mo sa bubuyog ang Somusun sa Alongan!"

"Teka . . . baka po nagkakamali kayo. Dalawa ang nagngangalang Pilandok dito sa Agama Niyog.

Si Pilandok-sa-Gulod at akong si Pilandok-sa-Tumana."

"Hmm . . . maaari ngang hindi ikaw," pag-iisip ni Sabandar. "Pero ano ang ginagawa mo sa ilalim ng punong sampalok?"

"Binabantayan ko po ang mahiwagang sinturon ng Datu," itinuro ni Pilandok ang natutulog na malaking sawa.

"Mahiwagang sinturon ng Datu? Bakit naging mahiwaga ang sinturong 'yan?" usisa ni Sabandar.

"Mapagagaling ng sinumang makapagsuot ng mahiwa-gang sinturon ng Datu ang anumang sakit at lalakas pa siya ng sampung beses," paliwanag ni Pilandok.

"S'yanga ba?" sabik na usisa ni Sabandar. "Ako ay malakas ngunit minsa'y sinusumpong ako ng hika. Subukan ko kayang isuot ang mahiwagang sinturon."

"Naku, hindi po puwede," sagot ni Pilandok. "Bukod sa magagalit ang Datu, maharlika lamang ang maaaring makapagsuot ng mahiwagang sinturon."

"Ngunit ako ay maharlika rin. Kapatid ko ang Sultan sa Agama Niyog. Ibibigay ko sa 'yo ang aking gintong espada pati na ang napitas kong saging kung papayagan mo akong maisuot ang mahiwagang sinturon."

"Talaga bang kayo ay maharlika?" "Oo."

"E . . . sige po. Payag na po ako. Ngunit aalis po muna ako bago n'yo isuot ang mahiwagang sinturon. Kapag ako'y inabutan ng mga sundalo ng Datu, tiyak na pugot ang aking ulo."

Kinuha ni Pilandok ang gintong espada at ang piling ng saging saka dali-daling umalis.

Nang malayo na siya, kinuha ni Sabandar ang natutulog na sawa at ipinulupot sa kanyang baywang.

Nagising ang Haring Sawa at nilingkis si Sabandar hanggang magkabali-bali ang mga buto nito.

Naglakad si Pilandok at bitbit ang gintong espada at piling ng saging nang maamoy niya ang masasarap na pagkain sa hawlang bakal ng bruhang si Bulaon.

Natakam si Pilandok sa amoy ng inihaw na usa, baboy-damo at sariwang prutas.

"Bantayan mo ang aking pagkain. Magpapahinga muna ako," utos ni Bulaon sa bakulaw na bantay ng hawlang bakal.

Ikinandado ng bruha ang hawlang bakal at pumunta sa kuweba niya. Pagkaraan ng isang oras, lumapit si Pilandok sa bakulaw.

"Bakulaw, puwede ka na raw magpahinga, sabi ni bruha. Ako ang papalit sa 'yo sa pagbabantay ng pagkain," sabi ni Pilandok habang ibinibigay ang piling ng saging.

Dali-daling umalis ang bakulaw. Sa pamamagitan ng gintong espada, binuksan ni Pilandok ang hawlang bakal at kinuha ang masasarap na pagkain.

Nagmamadaling umalis si Pilandok at umuwi sa kanilang kubo. Nagulat ang kanyang ama at ina sa dalang pagkain ni Pilandok.

Matapos kumain, ipinangako ni Pilandok sa mga magulang na sa muli niyang pag-alis ang iuuwi naman niya ay kayamanan.

Naglalakad sa Gubat si Pilandok nang makita siya ni Bulaon. "Papatayin kita!" galit na sabi ni Bulaon.

"Teka, bakit po ninyo ako papatayin? Wala naman po akong kasalanan sa inyo."

"Hindi ba ikaw si Pilandok?" "Ako nga po."

"Kung gayon, ikaw ang nanloko sa bakulaw at tumangay sa aking hapunan."

"Nagkakamali po kayo. Dalawa po ang may pangalang Pilandok dito sa Agama Niyog. Si Pilandok-sa-Gulod at ako nga pong si Pilandok-sa-Tumana.

Hindi ko ginagawa ang ibinibintang n'yo kaya nasisiguro kong ang gumawa nuon ay si Pilandok-sa-Gulod," katwiran ni Pilandok.

"Hmm... maaaring hindi nga ikaw," nasabi ni Bulaon. "Ngunit kung hindi ikaw ang Pilandok na hinahanap ko, ano ang ginagawa mo rito?"

"Binabantayan ko ang bukirin ng mahiwagang tabako ng Datu." At itinuro ni Pilandok ang mga makakating damong sagai.

"Mahiwagang tabako ng Datu? Bakit naging mahiwaga ang tabakong 'yan?" usisa ng bruha.

"Ang sinumang ngumuya ng mahiwagang tabako ay gaganda na parang prinsesa at lahat ng makita ay iibig sa kanya."

"Ibibigay ko sa 'yo ang aking mahiwagang kapa kung papayagan mo akong makanguya ng mahiwagang tabako."

"Ano po ang magagawa ng mahiwagang kapa?"

"Kung isusuot mo ito, anumang kasuotan ang hilingin mo ay matutupad."

"Susubukan ko muna." Isinuot ni Pilandok ang mahiwagang kapa at hiniling niya ang damit ng isang Sultan. Biglang napalitan ng ma-rangyang damit ang kanyang suot. May diyamante pa at nagkikislapang mga hiyas.

"Payag na po ako. Ngunit ako po ay aalis muna bago kayo pumitas at ngumuya ng mahiwagang tabako. Baka abutan ako ng mga sundalo ng Datu, tiyak na ako'y pupu-gutan ng ulo."

Suot ang mahiwagang kapa, nagmamadaling umalis si Pilandok.

Nang malayo na siya, pumitas ng mga dahon ng sagai ang bruha at sabik na nginuya ito.

Napasigaw ang bruha nang mangati at mamaga ang kanyang bunganga.

Sakay ng puting kabayo, nagpunta si Pilandok sa bahay ng Sultan. Subalit ang malupit na Sultan pala ay napatay sa pakikipaglaban sa mga taga-karatig bayan na nais niyang sakupin.

Hindi nagdalawang-loob si Pilandok. Napalingon ang lahat sa kanyang marangyang kasuotan.

Inakala nilang siya ay isang dugong maharlika. Pagpasok niya, biglang nagpalahaw ng iyak si Pilandok.

"Amang Sultan, bakit mo kami iniwan!" sigaw ni Pilandok. "Bakit di n'yo sinabing patay na ang Amang Sultan ko?"

"Nagsilapit kay Pilandok ang mga kamag-anak ng Sultan. Hindi nila alam na may ibang anak ang Sultan.

"Ikaw ba'y tunay na anak ng aking Ama?" tanong sa kanya ng panganay na anak ng Sultan.

"Ako ay tunay niyang anak," matatag na sagot ni Pilandok. "Bakit di n'yo sinabi sa akin at sa mga mamamayan ng Bandiyar Masir na ang aking Amang Sultan ay patay na?"

Nasindak ang mga nakarinig nang banggitin niya ang lugar na Bandiyar Masir. Iyon ay kinikilalang pook ng mga matatapang na mandirigma.

Sa gayon, napilitan ang prinsipeng tananggapin si Pilandok at ipakilala sa mga kamag-anak na maharlika.

Nang hilingin ni Pilandok na sa Bandiyar Masir ilibing ang Sultan, natakot ang mga kamag-anak nito.

Nakiusap ang prinsipe na sa kanilang bayan na lamang ilibing ang Sultan.

Pumayag naman si Pilandok. Pitong araw matapos malibing ang Sultan, sinabi ni Pilandok sa prinsipe na magbabalik na siya sa Bandiyar Masir.

Nagpasalamat siya sa prinsipe sa pag-aasikaso nito sa kanya at binanggit niya ang kanyang parte sa manang naiwan ng Sultan.

Kunwa'y naghihinanakit si Pilandok nang marinig na dalawampung porsiyento lamang ang nais ibigay sa kanya ng prinsipe.

"Pinagbigyan ko na kayong sa bayang ito malibing ang aking Amang Sultan, nais pa ninyong kunin pati ang aking mana?

Kung gusto mo'y ipatatawag ko ang aking mga tauhan upang pag-usapan natin ito," sigaw ni Pilandok.

Natakot ang prinsipe sapagkat wala silang kalaban-laban sa mga mandirigma ng Bandiyar Masir.

Ibinigay niya kay Pilandok ang kalahating kayamanang naiwan ng Sultan.

Isinakay ito ni Pilandok sa kanyang puting kabayo at mabilis na nagpaalam sa prinsipe.

Tuwang-tuwa ang prinsipe dahil wala na ang kinatatakutan nilang si Pilandok.

Tuwang-tuwa rin ang mga magulang ni Pilandok sa balita niyang patay na ang malupit na Sultan — at sa kayamanang dala-dala ng kanilang anak.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

FILIPINO BOOK: MGA PAKIKIPAGSAPALARAN NI PILANDOK ni Wystan Dimalanta with TAGALOG Subtitles |||adventures|of|Pilandok||Wystan|Dimalanta|||Subtitles PHILIPPINISCHES BUCH: PILANDOKS ABENTEUER von Wystan Dimalanta mit TAGALOG-Untertiteln FILIPINO BOOK: PILANDOK'S ADVENTURES by Wystan Dimalanta with TAGALOG Subtitles FILIPINO BOEK: PILANDOK'S AVONTUREN door Wystan Dimalanta met TAGALOG-ondertiteling

Mga Pakikipagsapalaran ni Pilandok |adventures||Pilandok Mga Pakikipagsapalaran ni Pilandok Avonturen van Pilandok

Halaw sa Kuwentong Bayan ng Maranaw excerpts|||Folklore||Maranaw Adapted from the Maranaw Town Story Aangepast van het Maranaw Town-verhaal

Mga Larawan ni Juanito Sy |photos||| Mga Larawan ni Juanito Sy Istorya ni Wystan Dimalanta Foto's door Juanito Sy

Istorya ni Wystan Dimalanta Story by Wystan Dimalanta

MAHIRAP PA SA DAGA ang mga magulang ni Pilandok. Sa isang maliit na kubo sila nakatira at walang anumang kasangkapan liban sa paminggalang laging walang ulam. |still||rat|||parents||Pilandok|||small||cottage|||and||any|furniture|except||provision|always||viand laging walang ulam. De ouders van Pilandok zijn nog HARDER DAN DAGA. Ze wonen in een kleine hut en hebben geen gereedschap behalve de bescherming en hebben altijd geen afwas.

Lalong tumindi ang kanilang paghihirap dahil ang lahat ng ani sa mga bukirin ay kinakamkam ng malupit na sultan. Minsan, narinig ni Pilandok ang balisang pag-uusap ng magulang. even more|intensified|||suffering|||||harvest|||fields||was being seized||cruel||sultan||heard||||anxious|||| Lalong tumindi ang kanilang paghihirap dahil ang lahat ng ani sa mga bukirin ay kinakamkam ng malupit na sultan. Minsan, narinig ni Pilandok ang balisang pag-uusap ng magulang. Hun lijden werd intenser omdat alle producten op de velden in beslag werden genomen door de wrede sultan. Op een keer hoorde Pilandok het angstige gesprek van de ouders.

"Ako ay mahina na. Hindi na kaya ng tuhod ko ang pangangaso sa gubat. Lalong hindi ko na kaya ang mag-saka," anang ama ni Pilandok. "Paano kaya ang ating anak?" ||weak||not||||knee|||hunting||forest|||||||||said|||||||| "I'm already weak. My knees can't handle hunting in the jungle anymore. I can't handle farming anymore," said Pilandok's father. "How about our son?" "Ik ben al zwak. Mijn knieën kunnen de jacht in de jungle niet meer aan. Ik kan de landbouw niet meer aan", zei Pilandoks vader. "En onze zoon?"

Narinig ito ni Pilandok. Tumayo siya at lumapit sa mga magulang. "'Wag po kayong mabahala. Ako'y malaki na at nais ko'y makapagsilbi naman sa inyo. Hayaan ninyong ako ang maghanap ng ating makakain." Narinig ito ni Pilandok. Tumayo siya at Itunapit sa mga magulang. "'Wag po kayong mabahala. Ako'y malaki na at nais ko'y makapagsilbi naman sa inyo. Hayaan ninyong ako ang maghanap ng ating makakain."

"Ngunit, anak, tingnan mo ang iyong katawan. Simpayat ka ng kawayan. Di mo mabubuhat ni 'sangkabang palay," pag-aalala ng kanyang ina. "But, son, look at your body. You're thin with bamboo. You can't even carry rice," worried his mother. 'Maar jongen, kijk eens naar je lichaam. Je bent een bamboestok. Je kunt niet eens rijst dragen', maakte zijn moeder zich zorgen.

"At wala kang alam sa pangangaso o gawaing-bukid. Kung sakaling makita ka ng mga tauhan ng sultan, baka mapahamak ka, anak," dagdag ng kanyang ama. Kung sakaling makita ka ng mga tauhan ng sultan, baka mapahamak ka, anak," dagdag ng kanyang 'En jij weet helemaal niets van jagen of boerenwerk. Als de mannen van de sultan je zien, zou je kunnen omkomen, zoon,' voegde zijn vader eraan toe.

"'Wag po kayong mag-alala," hinalikan ni Pilandok ang mga magulang at nagtungo siya sa gubat. "'Wag po kayong mag-alala," hinalikan ni Pilandok ang mga magulang at nagtungo siya sa gubat. 'Maak je geen zorgen,' kuste Pilandok zijn ouders en liep naar het bos.

Palibhasa'y mahina at antukin, madaling napagod si Pilandok. Nakakita siya ng isang mayabong na punong mangga na ang sanga ay may malaking bahay-pukyutan. Palibhasa'y mahina at antukin, madaling napagod si Pilandok. Nakakita siya ng isang mayabong na punong mangga na ang sanga ay may malaking bahay-pukyutan. Omdat hij zwak en slaperig was, werd Pilandok snel moe. Hij zag een weelderige mangoboom waarvan de tak een grote bijenkorf had.

"Reyna Bubuyog, maaari po bang magpahinga sa ilalim ng punong mangga?" paalam ni Pilandok. paalam ni Pilandok. "Koningin Bubuyog, kunt u even uitrusten onder de mangoboom?" Pilandok nam afscheid.

"Oo, 'yun lang pala. 'Wag mo lang kaming gagamba-lain kundi'y pupupugin ka namin," babala ng bubuyog. "Oo, 'yun lang pala. 'Wag mo lang kaming gagamba-lain kundi'y pupupugin ka namin," babala ng bubuyog. "Ja, dat is alles. Val ons gewoon niet lastig, we slaan je in elkaar," waarschuwde de bij.

Naupo si Pilandok sa ilalim ng punong mangga. Di nag-tagal ay nagdaan ang Somusun sa Alongan na galing sa pangangaso. Naupo si Pilandok sa ilalim ng punong mangga. Di nag-tagal ay nagdaan ang Somusun sa Alongan na galing sa pangangaso. Pilandok zat onder een mangoboom. Al snel kwam Somusun langs Alongan die van de jacht was gekomen.

Nakasakay siya sa puting kabayo na may kargang isang malaking usa. Nakita niya ang nakahigang si Pilandok. Nakasakay siya sa puting kabayo na may kargang isang malaking usa. Hij reed op een wit paard met een groot hert. Hij zag Pilandok liggen.

"Ano ang ginagawa mo riyan?" "Binabantayan ko po ang pamana ng Sultan." Nakasakay siya sa puting kabayo na may kargang isang malaking usa. Nakita niya ang nakahigang si Pilandok. "Ano ang ginagawa mo riyan?" "Binabantayan ko po ang pamana ng Sultan." "Wat doe je daar?" 'Ik bewaak de erfenis van de sultan.'

"Anong klaseng pamana ng Sultan ang iyong binabantayan?" "Anong klaseng pamana ng Sultan ang iyong binabantayan?" 'Wat voor erfenis van de sultan bewaak je?'

"Isa pong mahiwagang gong." At itinuro ni Pilandok ang malaking bahay-pukyutan. "Isa pong mahiwagang gong." At itinuro ni Pilandok ang malaking bahay-pukyutan. "Het is een magische gong." En Pilandok wees naar de grote bijenkorf.

"Mahiwagang gong? Bakit naging mahiwaga ang gong na 'yan?" usisa ni Somusun sa Alongan. Bakit naging mahiwaga ang gong na 'yan?" usisa ni Somusun sa Alongan. "Mysterieuze gong? Waarom was die gong zo mysterieus?" Somusun was nieuwsgierig naar Alongan.

"A, ang tunog ng mahiwagang gong ay malambing na awit na maririnig hanggang sa ikapitong kaharian. "A, ang tunog ng mahiwagang gong ay malambing na awit na maririnig hanggang sa ikapitong "Ah, het geluid van de magische gong is een melodieus lied dat tot in het zevende rijk te horen is.

At ang mga prinsesang makarinig dito ay tiyak na iibig sa sinumang nagpatunog nito." At ang mga prinsesang makarinig dito ay tiyak na iibig sa sinumang nagpatunog nito." En de prinsessen die het horen, zullen zeker verliefd worden op degene die het heeft gespeeld."

"Maaari ko ba itong patunugin?" usisa ng Somusun. "Maaari ko ba itong patunugin?" usisa ng Somusun. "Kan ik het spelen?" Somusuns nieuwsgierigheid.

"Naku, hindi po puwede," sagot ni Pilandok. "Magagalit ang Sultan. At saka mga maharlika lang ang maaaring makapagpatunog sa mahiwagang gong." "Naku, hindi po puwede," sagot ni Pilandok. "Magagalit ang Sultan. At saka mga maharlika lang ang maaaring makapagpatunog sa mahiwagang gong." "Oh, dat kan niet," antwoordde Pilandok. 'De sultan zal boos zijn. Bovendien kunnen alleen edelen de magische gong luiden.'

"Ngunit ako ay maharlika rin. Ama ko ang Sultan sa Agama Niyog. Ibibigay ko sa 'yo ang aking kabayo at ang nahuli kong usa kung papayagan mo akong patunugin ang mahiwagang gong." "But I am also a noble. My father is the Sultan of Agama Niyog. I will give you my horse and the deer I caught if you allow me to sound the magic gong." 'Maar ik ben ook een edelman. Mijn vader is de sultan van Agama Niyog. Ik zal je mijn paard en het hert geven dat ik heb gevangen als je me toestaat de magische gong te luiden.'

"Talaga po bang kayo ay maharlika?" "Are you really royalty?" "Ben je echt koninklijk?"

"Oo." "Kung gayon po ay payag ako. Ngunit ako po ay aalis muna bago ninyo patunugin ang mahiwagang gong. Baka abutan ako ng mga sundalo ng Sultan. Ako'y tiyak na mapupugutan ng ulo." "Talaga po bang kayo ay maharlika?" alis. "Ja." 'Dan ben ik bereid. Maar ik zal eerst vertrekken voordat je de magische gong luidt. Ik zou kunnen worden gepakt door de soldaten van de sultan. Ik zal zeker worden onthoofd.'

"Masusunod," sabik na sagot ng Somusun. Sumakay si Pilandok sa puting kabayong may kargang malaking usa at dali-daling umalis. "Next," answered the Somusun eagerly. Pilandok got on a white horse carrying a large deer and hurried away. "Volgende," antwoordde de Somusun gretig. Pilandok stapte op een wit paard met een groot hert en haastte zich weg.

Nang malayo na si Pilandok, humanap ng kahoy ang Somusun sa Alongan at pinalo ang bahay pukyutan. pukyutan. Toen Pilandok ver weg was, vond Somusun hout in Langan en versloeg de bijenkorf.

Galit na galit na pinupog ng mga bubuyog ang Somusun. The bees swarmed the Somusun furiously. De bijen zwermden woedend over de Somusun.

Nakahapunan na ang pamilya ni Pilandok ay di pa rin makapaniwala ang kanyang Ama at Ina na siya ang nakahuli sa usa. Nakahapunan na ang pamilya ni Pilandok ay di pa rin makapaniwala ang kanyang Ama at Ina na siya ang naka-huli sa usa. Pilandoks familie was aan het eten en zijn vader en moeder konden nog steeds niet geloven dat hij het hert had gevangen.

Nangako si Pilandok na muling mangaso para sa susunod nilang hapunan. Muling nahiga si Pilandok sa duyan at natulog. Nangako si Pilandok na muling mangaso para sa susunod nilang hapunan. Muting nahiga si Pilandok sa duyan at natulog. Pilandok beloofde opnieuw te jagen voor hun volgende diner. Pilandok ging weer in de hangmat liggen en viel in slaap.

Galit na galit ang Sultan sa Agama Niyog, nang ikuwento ni Somusun sa Alongan ang panlilinlang sa kanya ni Pilandok. sa kanya ni Pilandok. De sultan was woedend op Agama Niyog toen Somusun Alongan vertelde over Pilandoks bedrog.

Ipinatawag nito ang kanyang mga sundalo saka ang matapang na kapatid ng Sultan — si Sabandar. Ipinatawag nito ang kanyang mga sundalo saka ang matapang na kapatid ng Sultan — si Sabandar. Hij riep zijn soldaten en de dappere broer van de sultan - Sabandar.

"Hanapin ninyo ang isang nangangalang Pilandok at dalhin sa akin ang kanyang ulo." "Hanapin ninyo ang isang nagngangalang Pilandok at dalhin sa akin ang kanyang ulo." 'Zoek een man genaamd Pilandok en breng me zijn hoofd.'

Sabay-sabay na tumayo ang mga sundalo upang sundin ang utos ng Sultan. Sabay-sabay na tumayo ang mga sundalo upang sundin ang utos ng Sultan. De soldaten stonden samen op om het bevel van de sultan op te volgen.

Samantala, muling nagawi si Pilandok sa gubat. Naka-kita siya ng punong sampalok. May nakapulupot na malaking sawa sa sanga nito. Samantala, muling nagawi si Pilandok sa gubat. Naka-kita siya ng punong sampalok. May nakapulupot na malaking sawa sa sanga nito. Ondertussen gedroeg Pilandok zich opnieuw in de jungle. Hij zag een tamarindeboom. Er zat een grote python om zijn tak gekronkeld.

"Haring Sawa, maaari pong makapagpahinga sa ilalim ng punong sampalok?" paalam ni Pilandok. "Haring Sawa, maaari pong makapagpahinga sa ilalim ng punong sampalok?" paalam ni Pilandok. "Koning Serpent, kunt u even uitrusten onder de tamarindeboom?" Pilandok nam afscheid.

"Oo, 'yun lang pala. 'Wag mo lang akong gagambalain sa pagtulog kundi'y lilingkisin kita hanggang mabali ang lahat ng iyong buto." "Oo, 'yun lang pala. 'Wag mo lang akong gagambalain sa pagtulog kundi'y lilingkisin kita hanggang mabali ang lahat ng iyong buto." "Ja, dat is alles. Stoor mijn slaap alleen niet, ik zal je slaan tot al je botten gebroken zijn."

Naupo si Pilandok sa ilalim ng punong sampalok. Di naglaon ay nagdaan si Sabandar na may dalang piling ng saging. Naupo si Pilandok sa ilalim ng punong sampalok. Di naglaon ay nagdaan si Sabandar na may dalang piling ng saging. Pilandok zat onder een tamarindeboom. Al snel kwam Sabandar langs met een tros bananen.

"Lalake, ikaw ba si Pilandok?" tanong nito pagkakita kay Pilandok. "Ako nga po." "Ako nga po." "Man, ben jij Pilandok?" vroeg het na het zien van Pilandok. "Ik ben het."

"A, kung gayon ay humanda ka!" hinugot ni Sabandar ang gintong espada. "A, kung gayon ay humanda ka!" hinugot ni Sabandar ang gintong espada. "Ah, maak je dan klaar!" Sabandar trok het gouden zwaard.

"Ano po ang kasalanan ko?" "Pinapupog mo sa bubuyog ang Somusun sa Alongan!" "Ano po ang kasalanan ko?" "Pinapupog mo sa bubuyog ang Somusun sa Alongan!" "Wat is mijn fout?" "Jij maakt de Somusun-bij in Alongan!"

"Teka . . . baka po nagkakamali kayo. Dalawa ang nagngangalang Pilandok dito sa Agama Niyog. "Teka . . . baka po nagkakamali kayo. Dalawa ang nagngangalang Pilandok dito sa Agama Niyog. "Wacht... misschien vergis je je. Er zijn er twee die Pilandok heten hier in Agama Niyog.

Si Pilandok-sa-Gulod at akong si Pilandok-sa-Tumana." Si Pilandok-sa-Gulod at akong si Pilandok-sa-Tumana." Pilandok-sa-Gulod en ik ben Pilandok-sa-Tumana."

"Hmm . . . maaari ngang hindi ikaw," pag-iisip ni Sabandar. "Pero ano ang ginagawa mo sa ilalim ng punong sampalok?" "Hmm . . . maybe not you," thought Sabandar. "But what are you doing under the tamarind tree?" 'Hmm... jij misschien niet,' dacht Sabandar. 'Maar wat doe jij onder de tamarindeboom?'

"Binabantayan ko po ang mahiwagang sinturon ng Datu," itinuro ni Pilandok ang natutulog na malaking sawa. "Binabantayan ko po ang mahiwagang sinturon ng Datu," itinuro ni Pilandok ang natutulog na malaking sawa. "Ik bewaak de magische riem van de Datu," wees Pilandok naar de slapende grote python.

"Mahiwagang sinturon ng Datu? Bakit naging mahiwaga ang sinturong 'yan?" usisa ni Sabandar. "Mahiwagang sinturon ng Datu? Bakit naging mahiwaga ang sinturong 'yan?" 'De mysterieuze riem van Datu? Waarom was die riem zo mysterieus?' vroeg Sabandar nieuwsgierig.

"Mapagagaling ng sinumang makapagsuot ng mahiwa-gang sinturon ng Datu ang anumang sakit at lalakas pa siya ng sampung beses," paliwanag ni Pilandok. "Mapagagaling ng sinumang makapagsuot ng mahiwa-gang sinturon ng Datu ang anumang sakit at lalakas pa siya ng sampung beses," paliwanag ni Pilandok. "Iedereen die Datu's magische riem kan dragen, kan elke ziekte genezen en tien keer sterker worden", legt Pilandok uit.

"S'yanga ba?" sabik na usisa ni Sabandar. "Ako ay malakas ngunit minsa'y sinusumpong ako ng hika. Subukan ko kayang isuot ang mahiwagang sinturon." Subukan ko kayang isuot ang mahiwagang sinturon." "Is dat zo?" Sabandar was nieuwsgierig. "Ik ben sterk, maar soms krijg ik astma. Ik kan proberen de magische riem te dragen."

"Naku, hindi po puwede," sagot ni Pilandok. "Bukod sa magagalit ang Datu, maharlika lamang ang maaaring makapagsuot ng mahiwagang sinturon." "Naku, hindi po puwede," sagot ni Pilandok. "Bukod sa magagalit ang Datu, maharlika lamang ang maaaring makapagsuot ng mahiwagang sinturon." "Ngunit ako ay maharlika rin. "Oh, dat kan niet," antwoordde Pilandok. "Behalve dat de Datu boos is, kunnen alleen royalty's de magische riem dragen."

"Ngunit ako ay maharlika rin. Kapatid ko ang Sultan sa Agama Niyog. Ibibigay ko sa 'yo ang aking gintong espada pati na ang napitas kong saging kung papayagan mo akong maisuot ang mahiwagang sinturon." Kapatid ko ang Sultan sa Agama Niyog. Ibibigay ko sa 'yo ang aking gintong espada pati na ang napitas kong saging kung papayagan mo akong maisuot ang mahiwagang sinturon." 'Maar ik ben ook koninklijk. De sultan van Agama Niyog is mijn broer. Ik zal je mijn gouden zwaard en de geplukte banaan geven als je me toestaat de magische riem te dragen.'

"Talaga bang kayo ay maharlika?" "Oo." "Talaga bang kayo ay maharlika?" "Oo." "Ben je echt koninklijk?" "Ja."

"E . . . sige po. Payag na po ako. Ngunit aalis po muna ako bago n'yo isuot ang mahiwagang sinturon. Kapag ako'y inabutan ng mga sundalo ng Datu, tiyak na pugot ang aking ulo." Payag na po ako. Ngunit aalis po muna ako bago n'yo isuot ang mahiwagang sinturon. Kapag ako'y inabutan ng mga sundalo ng Datu, tiyak na pugot ang aking ulo." 'E... ga je gang. Ik ben bereid. Maar ik ga eerst weg voordat jij de magische riem omdoet. Als Datu's soldaten me pakken, zal mijn hoofd er zeker afgehakt worden.'

Kinuha ni Pilandok ang gintong espada at ang piling ng saging saka dali-daling umalis. Kinuha ni Pilandok ang gintong espada at ang piling ng saging saka dali-daling umalis. Pilandok pakte het gouden zwaard en de tros bananen en vertrok snel.

Nang malayo na siya, kinuha ni Sabandar ang natutulog na sawa at ipinulupot sa kanyang baywang. Nang malayo na siya, kinuha ni Sabandar ang natutulog na sawa at ipinulupot sa kanyang Toen hij ver weg was, pakte Sabandar de slapende python en wikkelde hem om zijn middel.

Nagising ang Haring Sawa at nilingkis si Sabandar hanggang magkabali-bali ang mga buto nito. Nagising ang Haring Sawa at nilingkis si Sabandar hanggang magkabali-bali ang mga buto nito. De Slangenkoning werd wakker en sloeg Sabandar totdat zijn botten gebroken waren.

Naglakad si Pilandok at bitbit ang gintong espada at piling ng saging nang maamoy niya ang masasarap na pagkain sa hawlang bakal ng bruhang si Bulaon. Naglakad si Pilandok at bitbit ang gintong espada at piling ng saging nang maamoy niya ang masasarap na pag-kain sa hawlang bakal ng bruhang si Bulaon. Pilandok liep en droeg het gouden zwaard en een tros bananen toen hij het heerlijke eten in de ijzeren kooi van de heks Bulaon rook.

Natakam si Pilandok sa amoy ng inihaw na usa, baboy-damo at sariwang prutas. Natakam si Pilandok sa amoy ng inihaw na usa, baboy-damo at sari-wang prutas. Pilandok werd verliefd op de geur van geroosterd hert, wild zwijn en vers fruit.

"Bantayan mo ang aking pagkain. Magpapahinga muna ako," utos ni Bulaon sa bakulaw na bantay ng hawlang bakal. "Bantayan mo ang aking pagkain. Magpapahinga muna ako," utos ni Bulaon sa bakulaw na bantay ng hawlang bakal. 'Waak over mijn eten. Ik ga eerst rusten,' beval Bulaon de gorilla die de ijzeren kooi bewaakte.

Ikinandado ng bruha ang hawlang bakal at pumunta sa kuweba niya. Pagkaraan ng isang oras, lumapit si Pilandok sa bakulaw. Ikinandado ng bruha ang hawlang bakal at pumunta sa kuweba niya. Pagkaraan ng isang oras, lumapit si Pilandok sa bakulaw. De heks deed de ijzeren kooi op slot en ging naar haar grot. Na een uur naderde Pilandok de gorilla.

"Bakulaw, puwede ka na raw magpahinga, sabi ni bruha. Ako ang papalit sa 'yo sa pagbabantay ng pagkain," sabi ni Pilandok habang ibinibigay ang piling ng saging. "Bakulaw, puwede ka na raw magpahinga, sabi ni bruha. Ako ang papalit sa 'yo sa pagbabantay ng pagkain," sabi ni Pilandok habang ibinibigay ang piling 'Aap, je kunt rusten,' zei de heks. Ik zal je vervangen bij het bewaken van het eten,' zei Pilandok terwijl hij de bananenschil overhandigde.

Dali-daling umalis ang bakulaw. Sa pamamagitan ng gintong espada, binuksan ni Pilandok ang hawlang bakal at kinuha ang masasarap na pagkain. The gorilla left quickly. With a golden sword, Pilandok opened the iron cage and took the delicious food. De gorilla vertrok snel. Met een gouden zwaard opende Pilandok de ijzeren kooi en pakte het heerlijke eten.

Nagmamadaling umalis si Pilandok at umuwi sa kanilang kubo. Nagulat ang kanyang ama at ina sa dalang pagkain ni Pilandok. Nagmamadaling umalis si Pilandok at umuwi sa kanilang kubo. Nagulat ang kanyang ama at ina sa dalang pagkain ni Pilandok. Pilandok vertrok haastig en ging naar huis, naar hun hut. Zijn vader en moeder waren verrast toen Pilandok eten bracht.

Matapos kumain, ipinangako ni Pilandok sa mga magulang na sa muli niyang pag-alis ang iuuwi naman niya ay kayamanan. After eating, Pilandok promised his parents that when he left again, he would bring home wealth. Na het eten beloofde Pilandok zijn ouders dat hij rijkdom mee naar huis zou nemen als hij weer vertrok.

Naglalakad sa Gubat si Pilandok nang makita siya ni Bulaon. "Papatayin kita!" galit na sabi ni Bulaon. Naglalakad sa Gubat si Pilandok nang makita siya ni Bulaon. "Papatayin kita!" galit na sabi ni Bulaon. "Teka, bakit po ninyo ako papatayin? Pilandok liep in het bos toen Bulaon hem zag. "Ik ga je vermoorden!" zei Bulaon boos.

"Teka, bakit po ninyo ako papatayin? Wala naman po akong kasalanan sa inyo." Wala naman po akong kasalanan sa inyo." "Wacht, waarom ga je me vermoorden? Ik heb je niets gedaan."

"Hindi ba ikaw si Pilandok?" "Ako nga po." "Hindi ba ikaw si Pilandok?" "Ben jij Pilandok niet?" "Ik ben het."

"Kung gayon, ikaw ang nanloko sa bakulaw at tumangay sa aking hapunan." "Kung gayon, ikaw ang nanloko sa bakulaw at tumangay sa aking hapunan." 'Toen heb je de gorilla bedrogen en mijn avondeten gestolen.'

"Nagkakamali po kayo. Dalawa po ang may pangalang Pilandok dito sa Agama Niyog. Si Pilandok-sa-Gulod at ako nga pong si Pilandok-sa-Tumana. "Nagkakamali po kayo. Dalawa po ang may pangalang Pilandok dito sa Agama Niyog. Si Pilandok-sa-Gulod at ako nga pong si Pilandok-sa-Tumana. "Je vergist je. Er zijn twee mensen die Pilandok heten hier in Agama Niyog. Pilandok-sa-Gulod en ik ben Pilandok-sa-Tumana.

Hindi ko ginagawa ang ibinibintang n'yo kaya nasisiguro kong ang gumawa nuon ay si Pilandok-sa-Gulod," katwiran ni Pilandok. Hindi ko ginagawa ang ibinibintang n'yo kaya nasisiguro kong ang gumawa nuon ay si Pilandok-sa-Gulod," katwiran ni Pilandok. Ik doe niet waar je me van beschuldigt, dus ik kan er zeker van zijn dat Pilandok-sa-Gulod degene is die het heeft gedaan", legt Pilandok uit.

"Hmm... maaaring hindi nga ikaw," nasabi ni Bulaon. "Ngunit kung hindi ikaw ang Pilandok na hinahanap ko, ano ang ginagawa mo rito?" maaaring hindi nga ikaw," nasabi ni Bulaon. "Ngunit kung hindi ikaw ang Pilandok na hinahanap ko, ano ang ginagawa mo rito?" 'Hmm... jij misschien niet,' zei Bulaon. 'Maar als je niet de Pilandok bent die ik zoek, wat doe je dan hier?'

"Binabantayan ko ang bukirin ng mahiwagang tabako ng Datu." At itinuro ni Pilandok ang mga makakating damong sagai. "Binabantayan ko ang bukirin ng mahiwagang tabako ng Datu." At itinuro ni Pilandok ang mga makakating damong sagai. "Ik bewaak Datu's magische tabaksplantage." En Pilandok wees naar het jeukende gras van de salie.

"Mahiwagang tabako ng Datu? Bakit naging mahiwaga ang tabakong 'yan?" usisa ng bruha. usisa ng bruha.

"Ang sinumang ngumuya ng mahiwagang tabako ay gaganda na parang prinsesa at lahat ng makita ay iibig sa kanya." "Ang sinumang ngumuya ng mahiwagang tabako ay gaganda na parang prinsesa at lahat ng makita ay iibig sa kanya."

"Ibibigay ko sa 'yo ang aking mahiwagang kapa kung papayagan mo akong makanguya ng mahiwagang tabako." "Ibibigay ko sa 'yo ang aking mahiwagang kapa kung papayagan mo akong makanguya ng mahiwagang

"Ano po ang magagawa ng mahiwagang kapa?" "Ano po ang magagawa ng mahiwagang kapa?"

"Kung isusuot mo ito, anumang kasuotan ang hilingin mo ay matutupad." "Kung isusuot mo ito, anumang kasuotan ang hilingin mo ay matutupad." "Als je het draagt, zal elk kledingstuk dat je wenst uitkomen."

"Susubukan ko muna." Isinuot ni Pilandok ang mahiwagang kapa at hiniling niya ang damit ng isang Sultan. Biglang napalitan ng ma-rangyang damit ang kanyang suot. May diyamante pa at nagkikislapang mga hiyas. "Susubukan ko muna." Isinuot ni Pilandok ang mahiwagang kapa at hiniling niya ang damit ng isang Sultan. Biglang napalitan ng ma-rangyang damit ang kanyang suot. May diyamante pa at nagkikislapang mga hiyas. "Ik zal het eerst proberen." Pilandok trok de magische cape aan en vroeg om de kleren van een sultan. Plots veranderde haar kleding in luxe kleding. Er zijn zelfs diamanten en sprankelende juwelen.

"Payag na po ako. Ngunit ako po ay aalis muna bago kayo pumitas at ngumuya ng mahiwagang tabako. Baka abutan ako ng mga sundalo ng Datu, tiyak na ako'y pupu-gutan ng ulo." "Payag na po ako. Ngunit ako po ay aalis muna bago kayo pumitas at ngumuya ng mahiwagang tabako. Baka abutan ako ng mga sundalo ng Datu, tiyak na ako'y pupu-gutan ng ulo."

Suot ang mahiwagang kapa, nagmamadaling umalis si Pilandok. Suot ang mahiwagang kapa, nagmamadaling umalis si Pilandok.

Nang malayo na siya, pumitas ng mga dahon ng sagai ang bruha at sabik na nginuya ito. Nang malayo na siya, pumitas ng mga dahon ng sagai ang bruha at sabik na nginuya ito.

Napasigaw ang bruha nang mangati at mamaga ang kanyang bunganga. Napasigaw ang bruha nang mangati at mamaga ang kanyang bunganga. De heks schreeuwde terwijl haar mond jeukte en opzwol.

Sakay ng puting kabayo, nagpunta si Pilandok sa bahay ng Sultan. Subalit ang malupit na Sultan pala ay napatay sa pakikipaglaban sa mga taga-karatig bayan na nais niyang sakupin. Sakay ng puting kabayo, nagpunta si Pilandok sa bahay ng Sultan. Subalit ang malupit na Sultan pala ay napatay sa pakikipaglaban sa mga taga-karatig bayan

Hindi nagdalawang-loob si Pilandok. Napalingon ang lahat sa kanyang marangyang kasuotan. Hindi nagdalawang-loob si Pilandok. Napalingon ang lahat sa kanyang marangyang kasuotan. Pilandok aarzelde niet. Iedereen draaide zich om om naar haar luxueuze kleding te kijken.

Inakala nilang siya ay isang dugong maharlika. Pagpasok niya, biglang nagpalahaw ng iyak si Pilandok. They thought he was of royal blood. When he entered, Pilandok suddenly burst into tears. Ze dachten dat hij van koninklijk bloed was. Toen hij binnenkwam, barstte Pilandok plotseling in tranen uit.

"Amang Sultan, bakit mo kami iniwan!" sigaw ni Pilandok. "Bakit di n'yo sinabing patay na ang Amang Sultan ko?" "Bakit di n'yo sinabing patay na ang Amang Sultan ko?" "Vader Sultan, waarom heeft u ons verlaten!" schreeuwde Pilandok. 'Waarom heb je niet gezegd dat mijn pater Sultan dood is?'

"Nagsilapit kay Pilandok ang mga kamag-anak ng Sultan. Hindi nila alam na may ibang anak ang Sultan. "Nagsilapit kay Pilandok ang mga kamag-anak ng Sultan. Hindi nila alam na may ibang anak ang Sultan. 'De familieleden van de sultan hebben Pilandok benaderd. Ze wisten niet dat de sultan nog een zoon had.

"Ikaw ba'y tunay na anak ng aking Ama?" tanong sa kanya ng panganay na anak ng Sultan. "Ikaw ba'y tunay na anak ng aking Ama?" tanong sa kanya ng panganay na anak ng Sultan. 'Bent u echt de zoon van mijn vader?' vroeg de oudste zoon van de sultan hem.

"Ako ay tunay niyang anak," matatag na sagot ni Pilandok. "Bakit di n'yo sinabi sa akin at sa mga mamamayan ng Bandiyar Masir na ang aking Amang Sultan ay patay na?" "Ako ay tunay niyang anak," matatag na sagot ni Pilandok. "Bakit di n'yo sinabi sa akin at sa mga mamamayan ng Bandiyar Masir na ang aking Amang Sultan 'Ik ben zijn echte zoon,' antwoordde Pilandok resoluut. 'Waarom heb je mij en de mensen van Bandiyar Masir niet verteld dat mijn pater Sultan dood is?'

Nasindak ang mga nakarinig nang banggitin niya ang lugar na Bandiyar Masir. Iyon ay kinikilalang pook ng mga matatapang na mandirigma. Those who heard him were shocked when he mentioned the place Bandiyar Masir. It is known as the place of brave warriors.

Sa gayon, napilitan ang prinsipeng tananggapin si Pilandok at ipakilala sa mga kamag-anak na maharlika. Sa gayon, napilitan ang prinsipeng tananggapin si Pilandok at ipakilala sa mga kamag-anak Zo werd de prins gedwongen Pilandok te accepteren en hem voor te stellen aan zijn nobele familieleden.

Nang hilingin ni Pilandok na sa Bandiyar Masir ilibing ang Sultan, natakot ang mga kamag-anak nito. na maharlika. Nang hilingin ni Pilandok na sa Bandiyar Masir ilibing ang Sultan, natakot ang mga kamag-anak Toen Pilandok vroeg om de sultan in Bandiyar Masir te begraven, waren zijn familieleden bang.

Nakiusap ang prinsipe na sa kanilang bayan na lamang ilibing ang Sultan. Nakiusap ang prinsipe na sa kanilang bayan na lamang ilibing ang Sultan. De prins smeekte om de sultan in hun stad te begraven.

Pumayag naman si Pilandok. Pitong araw matapos malibing ang Sultan, sinabi ni Pilandok sa prinsipe na magbabalik na siya sa Bandiyar Masir. Pumayag naman si Pilandok. Pitong araw matapos malibing ang Sultan, sinabi ni Pilandok sa prinsipe na magbabalik na siya sa Bandiyar Masir. Pilandok was het daarmee eens. Zeven dagen nadat de sultan was begraven, vertelde Pilandok de prins dat hij terugging naar Bandiyar Masir.

Nagpasalamat siya sa prinsipe sa pag-aasikaso nito sa kanya at binanggit niya ang kanyang parte sa manang naiwan ng Sultan. Nagpasalamat siya sa prinsipe sa pag-aasikaso nito sa kanya at binanggit niya ang kanyang parte sa manang naiwan ng Sultan. Hij bedankte de prins dat hij voor hem had gezorgd en noemde zijn aandeel in de erfenis die de sultan had nagelaten.

Kunwa'y naghihinanakit si Pilandok nang marinig na dalawampung porsiyento lamang ang nais ibigay sa kanya ng prinsipe. It was as if Pilandok was upset when he heard that the prince only wanted to give him twenty percent. Het was alsof Pilandok van streek was toen hij hoorde dat de prins hem maar twintig procent wilde geven.

"Pinagbigyan ko na kayong sa bayang ito malibing ang aking Amang Sultan, nais pa ninyong kunin pati ang aking mana? "Pinagbigyan ko na kayong sa bayang ito malibing ang aking Amang Sultan, nais pa ninyong kunin pati ang aking mana? "Ik heb je deze stad gegeven om mijn vader Sultan te begraven, wil je nog steeds mijn erfenis in bezit nemen?

Kung gusto mo'y ipatatawag ko ang aking mga tauhan upang pag-usapan natin ito," sigaw ni Pilandok. Kung gusto mo'y ipatatawag ko ang aking mga tauhan upang pag-usapan natin ito," sigaw Als je wilt, bel ik mijn mannen zodat we erover kunnen praten,' schreeuwde Pilandok.

Natakot ang prinsipe sapagkat wala silang kalaban-laban sa mga mandirigma ng Bandiyar Masir. Natakot ang prinsipe sapagkat wala silang kalaban-laban sa mga mandirigma ng Bandiyar De prins was bang omdat ze geen partij waren voor de krijgers van Bandiyar Masir.

Ibinigay niya kay Pilandok ang kalahating kayamanang naiwan ng Sultan. Ibinigay niya kay Pilandok ang kalahating kayamanang naiwan ng Sultan. Hij gaf Pilandok de helft van de schat die de sultan had achtergelaten.

Isinakay ito ni Pilandok sa kanyang puting kabayo at mabilis na nagpaalam sa prinsipe. Isinakay ito ni Pilandok sa kanyang puting kabayo at mabilis na nagpaalam sa prinsipe. Pilandok besteeg het op zijn witte paard en nam snel afscheid van de prins.

Tuwang-tuwa ang prinsipe dahil wala na ang kinatatakutan nilang si Pilandok. Tuwang-tuwa ang prinsipe dahil wala na ang kinatatakutan nilang si Pilandok. De prins was erg blij omdat Pilandok niet langer was waar ze bang voor waren.

Tuwang-tuwa rin ang mga magulang ni Pilandok sa balita niyang patay na ang malupit na Sultan — at sa kayamanang dala-dala ng kanilang anak. Pilandok's parents were also overjoyed at the news that the cruel Sultan was dead — and at the wealth their son was carrying. Pilandoks ouders waren ook dolblij met het nieuws dat de wrede sultan dood was - en met de rijkdom die hun zoon bij zich droeg.