×

We use cookies to help make LingQ better. By visiting the site, you agree to our cookie policy.

image

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), FILIPINO BOOK: AKO SI KALIWA, AKO SI KANAN WITH TAGALOG SUBTITLES | KWENTONG TAGALOG

FILIPINO BOOK: AKO SI KALIWA, AKO SI KANAN WITH TAGALOG SUBTITLES | KWENTONG TAGALOG

Ako si Kaliwa, Ako si Kanan

Kuwento ni Russell Molina

Guhit ni Ibarra Crisostomo

Inilathala ng Adarna House

(MUSIC)

Ako si Kaliwa.

Kapatid ko si Kanan.

Hinubog kami mula sa iisang goma.

Iisa ang aming itsura.

Magkasinggaan, magkasinlaki.

Ako si Kanan, kapatid ko si Kaliwa.

Sabay kaming binili ng nanay ni Carlo sa Divisoria.

Iisa ang aming porma. Magkakulay. Magkasintibay.

Maghapon ay nag-uunahan kami ni Kanan.

Ako ang laging nauuna. Kaya ako ang paborito ni Carlo.

Sa tumbang preso, ako ang bida niyang pamato.

Maghapon ay nag-iiwanan kami ni Kaliwa.

Ako ay hindi nahuhuli. Kaya ako ang paborito ni Carlo.

Sa karera sa sapa, ako ang bangkang pambato.

Ako si Kaliwa.

Sa akin nakatali ang lubid ng kaniyang saranggola.

Ako si Kanan.

Sa akin umaasa kapag namumukol ng mangga.

Ako....Ako.... Ako talaga ang paborito niya.

Ayaw ko si Kanan. Sana'y di ko na siya makasama.

Ako....Ako.... Ako talaga ang paborito niya.

Ayaw ko si Kaliwa. Sana'y di ko na siya makita.

Isang umaga, pagkagising ko ay narinig ko si Carlo: "Nay, nakita po ba niyo 'yung kanang tsinelas ko?"

Nawala na si Kanan sa tabi ko! Tuwang-tuwa ako.

Nakita ko si Carlo na paikot-ikot sa kuwarto.

Pinuntahan ang bawat sulok, silong, at kanto.

Maghapong hinanap niya si Kanan.

Maghapong hindi niya ako isinuot.

Maghapong hindi niya ako dinampot.

Hindi kami naglaro ng tumbang preso.

Mali pala ako, si Kanan pala ang kaniyang paborito.

At pagdating ng gabi, isinilid pa niya ako sa aparador ng mga pinaglumaang sapatos.

"Bakit ka nandito?" ang tanong ng matandang bota.

"Mukha ka pang matibay at may ibubuga."

"Nawala ho kasi ang kapatid kong si Kanan".

"Ay, ganiyan talaga!" ang sabi ng isang bakya.

"Ako ri'y nawalan ng kapareha at ngayo'y nag-iisa.

Di tuloy ako makaalis kahit na isang hakbang.

Dito nakapirme, nakatago't nakalimutan."

Nasaan na kaya si Kanan?

Bigla ko tuloy siyang hinanap.

Isang umaga, pagkagising ko ay nasa labas na ako ng bahay.

Dinala ako rito ng asong bantay.

Nawala na si Kaliwa sa tabi ko!

Tuwang-tuwa ako.

Natanaw ko si Carlo na paikot-ikot sa kuwarto.

Pinuntahan ang bawat sulok, silong at kanto.

Siguro'y naglalaro sila ng taguan ni Kaliwa.

Maghapong hindi niya ako isinuot.

Maghapong hindi niya ako dinampot.

Mali pala ako, si Kaliwa pala ang kaniyang paborito.

At pagdating ng gabi, mag-isa ako sa kalsada.

"Bakit ka nandito?" ang tanong ng lumang gulong ng bisikleta.

"Mukha ka pang matibay at may ibubuga."

"Nahiwalay ho kasi ako sa kapatid kong si Kaliwa."

"Ay ganyan talaga!" ang sabi niya.

"Ako ri'y nawalan ng kapareha at ngayo'y nag-iisa.

Di tuloy makalayo kahit na isang dipa.

Dito nakapirme, naiwan, at nakalimutan."

Nasaan na kaya si Kaliwa?

Bigla ko tuloy siyang hinanap.

"Nandito lang pala 'yung isang tsinelas mo, iho!" ang hiyaw ng nanay ni Carlo.

Dali-dali akong kinuha ni Carlo mula sa aparador.

"Ang paborito kong kaliwang tsinelas!"

"Nandito lang pala 'yung isang tsinelas mo, iho!" sabay pulot sa akin ng nanay ni Carlo.

Dali-dali akong sinalubong ni Carlo sa labas.

"Ang paborito kong kanang tsinelas!"

"Sa wakas ay magkasamang muli!"

Napatalon si Carlo sa tuwa.

Sabay kami ni Kanan na lumipad sa ere.

"Sa wakas ay magkasamang muli!"

Napatalon si Carlo sa tuwa.

Sabay kami ni Kaliwa na tumapak sa lupa.

Buong umaga ay naglaro kami sa may sapa.

Buong hapon ay nagpalipad ng saranggola.

Sabay kaming naglaro ng tumbang preso.

Sabay kaming namukol ng mangga sa kanto.

Sa tuwing hahakbang, kami'y naghihintayan.

Siya si Kanan. Saanman magpunta, magkasama kaming dalawa.

Sa tuwing tumatakbo, walang iwanan.

Siya si Kaliwa. Saanman magpunta, magkasama kaming dalawa.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

FILIPINO BOOK: AKO SI KALIWA, AKO SI KANAN WITH TAGALOG SUBTITLES | KWENTONG TAGALOG Filipino|BOOK|I||left|||RIGHT||||Story| PHILIPPINISCHES BUCH: AKO SI KALIWA, AKO SI KANAN MIT TAGALOG-UNTERTITELn | TALOGGE-GESCHICHTE FILIPINO BOOK: AKO SI KALIWA, AKO SI KANAN WITH TAGALOG SUBTITLES | TALOGUE STORY LIBRO FILIPINO: AKO SI KALIWA, AKO SI KANAN CON SUBTÍTULOS EN TAGALOGO | HISTORIA DEL TÁLOGO フィリピン語の本: アコ シ カリワ、アコ シ カナン タガログ語字幕付き |タローグストーリー FILIPIJNS BOEK: AKO SI KALIWA, AKO SI KANAN MET TAGALOG ONDERTITELS | TALOGUS VERHAAL FILIPIŃSKA KSIĄŻKA: AKO SI KALIWA, AKO SI KANAN Z TAGALOGOWYMI NAPISAMI | TALOGOWA OPOWIEŚĆ FILIPINO LIVRO: AKO SI KALIWA, AKO SI KANAN COM LEGENDAS TAGALOG | HISTÓRIA DE TÁLOGO 菲律賓書:AKO SI KALIWA、AKO SI KAnan(附他加祿語字幕)|對話故事

Ako si Kaliwa, Ako si Kanan I||Left|||Right I am Left, I am Right

Kuwento ni Russell Molina Russell Molina's Story|of|Russell's Story|Molina Story by Russell Molina

Guhit ni Ibarra Crisostomo Drawing|of|Ibarra's Drawing|Crisostomo's drawing Drawing by Ibarra Crisostomo

Inilathala ng Adarna House Published by||Adarna House|Adarna House published Published by Adarna House

(MUSIC) music (MUSIC)

Ako si Kaliwa. ||"I am Left." I am Left.

Kapatid ko si Kanan. My sibling|my|| Kanan is my brother.

Hinubog kami mula sa iisang goma. Molded|we|||one|rubber We are molded from the same rubber.

Iisa ang aming itsura. Identical|the|our|appearance We look the same.

Magkasinggaan, magkasinlaki. Same weight|same size Same size, same size.

Ako si Kanan, kapatid ko si Kaliwa. I am Kanan, my brother is Left.

Sabay kaming binili ng nanay ni Carlo sa Divisoria. Together||bought||||Carlo's mom||Divisoria Market Carlo's mother and I bought it together in Divisoria.

Iisa ang aming porma. Magkakulay. Magkasintibay. one|||style|Same color|Equally strong We have the same form. Same color. Be strong.

Maghapon ay nag-uunahan kami ni Kanan. All day||will|racing against||| During the day, Kanan and I were leading the way.

Ako ang laging nauuna. Kaya ako ang paborito ni Carlo. |the|always|always ahead||||favorite|| I'm always first. That's why I'm Carlo's favorite.

Sa tumbang preso, ako ang bida niyang pamato. in|knock down|prisoner|||hero|his|main throwing object In an overturned prison, I am his hero's checker. Traditional games in the Philippines - http://larong-pinoy.weebly.com/all-traditional-filipino-gamescompilation.html

Maghapon ay nag-iiwanan kami ni Kaliwa. |||leaving each other|||Lefty During the day Kaliwa and I were left alone.

Ako ay hindi nahuhuli. Kaya ako ang paborito ni Carlo. ||not|late|||||| I am not late. That's why I'm Carlo's favorite.

Sa karera sa sapa, ako ang bangkang pambato. in|race||stream|I||boat|best bet In the creek race, I was the rock boat.

Ako si Kaliwa. I am Left.

Sa akin nakatali ang lubid ng kaniyang saranggola. to||tied to||string|||kite The rope of his kite is tied to me.

Ako si Kanan. I'm Kanan.

Sa akin umaasa kapag namumukol ng mangga. ||hopes for|when|swelling||mango fruit I depend on me when the mango sprouts.

Ako....Ako.... Ako talaga ang paborito niya. |||really||| I....I.... I'm really his favorite.

Ayaw ko si Kanan. Sana'y di ko na siya makasama. ||||I hope|||||be with I don't like Kanan. I hope I can't be with him anymore.

Ako....Ako.... Ako talaga ang paborito niya. I....I.... I'm really his favorite.

Ayaw ko si Kaliwa. Sana'y di ko na siya makita. I don't like the Left. I hope I never see him again.

Isang umaga, pagkagising ko ay narinig ko si Carlo: "Nay, nakita po ba niyo 'yung kanang tsinelas ko?" ||upon waking up|||||||Mom||||||right|| One morning, when I woke up, I heard Carlo: "Mom, did you see my right slipper?"

Nawala na si Kanan sa tabi ko! Tuwang-tuwa ako. Kanan has disappeared from my side! I am very happy.

Nakita ko si Carlo na paikot-ikot sa kuwarto. |||||pacing around|around||room I saw Carlo walking around the room.

Pinuntahan ang bawat sulok, silong, at kanto. |||corner|under the house||corner Went to every nook, cranny, and corner.

Maghapong hinanap niya si Kanan. All day|searched for||| He spent the whole day looking for Kanan.

Maghapong hindi niya ako isinuot. all day||||wore me He didn't wear me all day.

Maghapong hindi niya ako dinampot. ||||picked up He didn't pick me up all day.

Hindi kami naglaro ng tumbang preso. We didn't play prisoner.

Mali pala ako, si Kanan pala ang kaniyang paborito. "I was wrong"|||||||| Turns out I was wrong, Kanan was his favorite.

At pagdating ng gabi, isinilid pa niya ako sa aparador ng mga pinaglumaang sapatos. ||||locked me in||||||||worn-out| And when night came, he even put me in the closet of old shoes.

"Bakit ka nandito?" ang tanong ng matandang bota. ||||||old|old boot "Why are you here?" asked the old boot.

"Mukha ka pang matibay at may ibubuga." you look|||strong and capable|||"something to offer" "You look strong and have something to say."

"Nawala ho kasi ang kapatid kong si Kanan". |polite particle|||||| "Because my brother, Kanan, is gone".

"Ay, ganiyan talaga!" ang sabi ng isang bakya. |||||||commoner "Oh, that's right!" said a clog.

"Ako ri'y nawalan ng kapareha at ngayo'y nag-iisa. |"I also"|||partner||"now"|| "I just lost my partner and now I'm alone.

Di tuloy ako makaalis kahit na isang hakbang. |go ahead||move forward|||| I couldn't leave even one step.

Dito nakapirme, nakatago't nakalimutan." |"fixed"|hidden and forgotten| Here it is fixed, hidden and forgotten."

Nasaan na kaya si Kanan? Where is Kanan?

Bigla ko tuloy siyang hinanap. Suddenly|||| I suddenly looked for him.

Isang umaga, pagkagising ko ay nasa labas na ako ng bahay. |||||||already||| One morning, when I woke up I was already outside the house.

Dinala ako rito ng asong bantay. ||here|||guard dog The guard dog brought me here.

Nawala na si Kaliwa sa tabi ko! |||||side| Kaliwa has disappeared from my side!

Tuwang-tuwa ako. I am very happy.

Natanaw ko si Carlo na paikot-ikot sa kuwarto. I saw|||||||| I saw Carlo walking around the room.

Pinuntahan ang bawat sulok, silong at kanto. Went to every nook, cranny and corner.

Siguro'y naglalaro sila ng taguan ni Kaliwa. Maybe they are||||hide and seek|| Maybe they are playing hide and seek with Kaliwa.

Maghapong hindi niya ako isinuot. He didn't wear me all day.

Maghapong hindi niya ako dinampot. He didn't pick me up all day.

Mali pala ako, si Kaliwa pala ang kaniyang paborito. Turns out I was wrong, Kaliwa is his favorite.

At pagdating ng gabi, mag-isa ako sa kalsada. And when night came, I was alone on the road.

"Bakit ka nandito?" ang tanong ng lumang gulong ng bisikleta. |||||||old tire|| "Why are you here?" the question of the old bicycle wheel.

"Mukha ka pang matibay at may ibubuga." |||strong|||output "You look strong and have something to say."

"Nahiwalay ho kasi ako sa kapatid kong si Kaliwa." Got separated|||||||| "Because I got separated from my brother Kaliwa."

"Ay ganyan talaga!" ang sabi niya. |"like that"|||| "That's right!" he said.

"Ako ri'y nawalan ng kapareha at ngayo'y nag-iisa. "I just lost my partner and now I'm alone.

Di tuloy makalayo kahit na isang dipa. ||move away||||arm's length Can't get even a foot away.

Dito nakapirme, naiwan, at nakalimutan." ||left|| Here it is fixed, left behind, and forgotten."

Nasaan na kaya si Kaliwa? Where is the Left?

Bigla ko tuloy siyang hinanap. I suddenly looked for him.

"Nandito lang pala 'yung isang tsinelas mo, iho!" ang hiyaw ng nanay ni Carlo. |||||slipper||"son"||shout|||| "Your one slipper is just here, shark!" Carlo's mother screamed.

Dali-dali akong kinuha ni Carlo mula sa aparador. Quickly|||||||| Carlo quickly took me from the closet.

"Ang paborito kong kaliwang tsinelas!" |||left| "My favorite left slipper!"

"Nandito lang pala 'yung isang tsinelas mo, iho!" sabay pulot sa akin ng nanay ni Carlo. |||||||son||picked up|||||| "Your one slipper is just here, shark!" Carlo's mother asked me at once.

Dali-dali akong sinalubong ni Carlo sa labas. |||greeted|||| Carlo quickly met me outside.

"Ang paborito kong kanang tsinelas!" |||right| "My favorite right slipper!"

"Sa wakas ay magkasamang muli!" |||together again| "Finally together again!"

Napatalon si Carlo sa tuwa. Jumped for joy|||| Carlo jumped for joy.

Sabay kami ni Kanan na lumipad sa ere. |||||||in the air Kanan and I flew into the air together.

"Sa wakas ay magkasamang muli!" "Finally together again!"

Napatalon si Carlo sa tuwa. Carlo jumped for joy.

Sabay kami ni Kaliwa na tumapak sa lupa. |||||stepped on|| Kaliwa and I stepped on the ground together.

Buong umaga ay naglaro kami sa may sapa. All morning we played by the creek.

Buong hapon ay nagpalipad ng saranggola. |||flew|| Fly a kite all afternoon.

Sabay kaming naglaro ng tumbang preso. We played prisoner together.

Sabay kaming namukol ng mangga sa kanto. together||threw stones at||mangoes||corner Together we picked a mango in the corner.

Sa tuwing hahakbang, kami'y naghihintayan. ||take a step|we are|waiting for each other Every time we step, we are waiting.

Siya si Kanan. Saanman magpunta, magkasama kaming dalawa. |||wherever|||| He is Kanan. Wherever we go, we are together.

Sa tuwing tumatakbo, walang iwanan. ||||left behind Whenever running, leave nothing behind.

Siya si Kaliwa. Saanman magpunta, magkasama kaming dalawa. He is Left. Wherever we go, we are together.