×

We use cookies to help make LingQ better. By visiting the site, you agree to our cookie policy.

image

Mga Kwentong Tagalog (Kids' Stories in Tagalog), FILIPINO BOOK: AHA! MAY ALLERGY KA PALA! (YOU HAVE AN ALLERGY!) w/ TAGALOG SUBTITLES (2)

FILIPINO BOOK: AHA! MAY ALLERGY KA PALA! (YOU HAVE AN ALLERGY!) w/ TAGALOG SUBTITLES (2)

"Ay, bad po pala ang histamine?" agaw ni KC.

"Hindi naman. Kakampi nga ng ating katawan ang histamine sa paglaban sa impeksyon. Kaso, dahil sa maling impormasyon na nasagap nila - na kesyo napasok sila ng kaaway - nagre-react nang matindi ang mga ito at sumosobra ang dami ng napupundar na histamine."

"Delikado po ba pag maraming lumabas na histamine?"

"May masasamang epekto ang paglabas ng histamine sa ating katawan. Isa na dito lahat ng maliliit na ugat ay pinalolobo nito.

Kaya mapulang-mapula ang balat ng taong may allergy. Namamaga rin siya. Namamantal. Nangangati. Nagluluha ang mata. Nagkakaron ng malabnaw na sipon.

"A, kaya po pala ang pula-pula ko nang makakain ako ng hipon!" sabi ni Julia.

"Kaya po pala nagluluha ang aking mata noong makalanghap ako ng alikabok," sabi naman ni Kuya Joshua.

"Kaya po pala namantal at namaga ang buong katawan ko!" si Tricia.

"Kaya po pala tulo ng tulo ang sipon ko paggising ko kanina ," sabi ni KC.

"Ganun nga. Ang gagaling n'yo, ah. Pero may isa pang mas masamang epekto ang paglabas ng maraming histamine sa katawan. Ito kasi ay nagdudulot ng pagkitid o pagsasara ng mga daluyan ng hangin sa baga."

"A, kaya pala ako nahirapang huminga nang makagat ako ng putakti!" ang sabi ni Patrick.

"Oo. At kung tuluyang sumara ang daanan ng hangin mo noon, puwedeng mauwi ito sa kamatayan. Anaphylactic Shock ang tawag dito."

"Ha! Puwede akong mamatay dahil sa allergy lang?" gulat na sabi ni Patrick.

"Oo! Hindi biro-birong bagay ang magka-allergy! paliwanang ni Tita Leah.

"A-na-pi-lak-tik shak?" bulong ni Julia sa sarili.

"Mabuti po pala at naagapan akong dalhin sa doktor ni Mommy para main-jectionan agad! E, pero bakit po si Lolo BAyani hindi nagka-allergy sa kagat ng putakti? pangungulit pa ni Patrick.

Maaring mas maayos ang takbo ng kanyang Immune System kaysa sa 'yo!"

Sa narinig ay agad tumayo si Lolo Bayani at nagmamalaking ipinakita ang malalaki niyang masel sa braso. "O, e, sino bang matanda rito, ha?

Malakas na tawanan ang sumunod.

Naubos na ang ice cream pero hindi pa rin matapos-tapos ang kuwentuhan. Isa-isang binigyan ng bagong ihaw na barbercue ang lahat ng nasa dulang. Pabiro namang nag-tanong si Tito Bong. "O, sino ang allergic sa berbecue at ako na lang ang kakain ng share niya?"

"Aba, naku, wala yatang taong allergic sa ice cream at barbecue!" kumumpas pa ang kamay ni Lola Ada nang magsalita.

"Ano kung gayon ang pangontra sa allergy?" tanong ni Tita Leah sa mga bata.

"E, di dapat po ay pigilan ang pagdami ng histamine!" mungkahi ni KC.

"Tama!" At dinampot ni Tita Leah ang isang banig ng tableta. Sinenyasan niya si KC na basahin ang nakasulat sa kulay pilak na sisidlan ng gamot.

"An-ti His-ta-min. Anti-Histamine? Kontra sa histamine?

"Korek! Ang tawag sa gamot na pangontra sa allergy ay ...anti-histamine!," Natutuwang sagot ni Tita Leah.

"Naku ang gagaling talaga ng mga apo ko," Nasisiyahang tugon ni Lolo Bayani.

"O, tandaan n'yo ha, sa susunod na magbibiyahe tayo o mag-a-outing, huwag kalilimutang dalhin ang maliit na tabletang ito," singit pa ni Tito Bong.

Matapos maglaro ng badminton sa beach, humirit pa ng tanong si Kuya Joshua kay Tita Leah. "Yun po bang alikabok may protein din?"

"Alam mo, kapag sinilip natin sa microscope ang mga alikabok, magugulat ka kasi makakakita ka ng maliliit na insektong gumagalaw. Dust mite ang tawag dun. Kapag nalanghap mo ito, ' yun ang may taglay na protein."

"Ha?! May lamang mga organismo din pala ang mga alikabok!" hindi makapaniwalang sabi ni Lola Ada habang pinapag-pag ang suot niyang daster.

"Sa taong hindi allergic sa alikabok, walang kaso kung malanghap man nila ito. Pero ibang usapan na kung allergic sa alikabok ang taong nakalanghap nito!"

"Dapat po pala ay umiwas kami kung saan kami allergic!" sabi ni Joshua.

"Oo nga po, para hindi na ulit malito ang aming Immune System!"

"At paano kung hindi makaiwas?" paniniyak ni Tita Leah.

"Dapat po'y may baon kaming gamot laban sa histamine!" At sabay sabay na nagtawanan ang magpipinsan.

Bago tuluyang naghiwa-hiwalay ang magpipinsan ay pinangalanan pa nila ang kanilang grupo: "D Allergic Company!"

Nasa van na ang lahat nang mag-spray ng pabango sa sarili si Tita Mavee. Di nagtagal ay biglang nakarinig sila ng sunud-sunod na pagbahing sa dakong likuran ng sasakyan.

Sino kaya yun?

"Naku, Lola Ada huwag n'yong sabihing may allergy po kayo sa perfume?" gulat na tanong ng mga apo.

Puro tango na lamang ang naisagot ni Lola Ada habag inaapuhap ang isang kahon ng tissue paper upang punasan ang tumutulo niyang sipon.

Learn languages from TV shows, movies, news, articles and more! Try LingQ for FREE

FILIPINO BOOK: AHA! MAY ALLERGY KA PALA! (YOU HAVE AN ALLERGY!) w/ TAGALOG SUBTITLES (2) PHILIPPINISCHES BUCH: AHA! SIE HABEN EINE ALLERGIE! (Sie haben eine Allergie!) mit Tagalog-Untertiteln (2) FILIPINO BOOK: AHA! YOU HAVE ALLERGIES! (YOU HAVE AN ALLERGY!) w/ TAGALOG SUBTITLES (2) フィリピン語の本: ああ!アレルギーがあります! (アレルギーがあります!) タガログ語字幕付き (2) FILIPIJNS BOEK: AHA! U HEBT EEN ALLERGIE! (JE HEBT EEN ALLERGIE!) met TAGALOG ONDERTITELS (2)

"Ay, bad po pala ang histamine?" agaw ni KC. "Oh, is histamine bad?" KC's cousin.

"Hindi naman. Kakampi nga ng ating katawan ang histamine sa paglaban sa impeksyon. Kaso, dahil sa maling impormasyon na nasagap nila - na kesyo napasok sila ng kaaway - nagre-react nang matindi ang mga ito at sumosobra ang dami ng napupundar na histamine." "Not at all. Histamine is an ally of our body in the fight against infection. In fact, because of the wrong information they received - that they were invaded by the enemy - they react strongly and the amount of histamine that is stored is excessive. "

"Delikado po ba pag maraming lumabas na histamine?" "Is it dangerous when a lot of histamine comes out?"

"May masasamang epekto ang paglabas ng histamine sa ating katawan. Isa na dito lahat ng maliliit na ugat ay pinalolobo nito. "The release of histamine has bad effects on our body. One of them is that it dilates all the small veins.

Kaya mapulang-mapula ang balat ng taong may allergy. Namamaga rin siya. Namamantal. Nangangati. Nagluluha ang mata. Nagkakaron ng malabnaw na sipon. That's why the skin of a person with allergies is red. He is also swollen. Barking Itching. Tears in the eyes. Has a mild cold.

"A, kaya po pala ang pula-pula ko nang makakain ako ng hipon!" sabi ni Julia. "Ah, that's why I was so red when I ate shrimp!" Julia said.

"Kaya po pala nagluluha ang aking mata noong makalanghap ako ng alikabok," sabi naman ni Kuya Joshua. "That's why my eyes teared up when I inhaled dust," Kuya Joshua said.

"Kaya po pala namantal at namaga ang buong katawan ko!" si Tricia. "That's why my whole body is itchy and swollen!" Tricia.

"Kaya po pala tulo ng tulo ang sipon ko paggising ko kanina ," sabi ni KC. "That's why my cold was dripping when I woke up earlier," said KC.

"Ganun nga. Ang gagaling n'yo, ah. Pero may isa pang mas masamang epekto ang paglabas ng maraming histamine sa katawan. Ito kasi ay nagdudulot ng pagkitid o pagsasara ng mga daluyan ng hangin sa baga." "That's right. You'll get better, ah. But the release of a lot of histamine in the body has another, worse effect. It causes the airways in the lungs to narrow or close."

"A, kaya pala ako nahirapang huminga nang makagat ako ng putakti!" ang sabi ni Patrick. "Oh, that's why I had trouble breathing when I was stung by a wasp!" said Patrick.

"Oo. At kung tuluyang sumara ang daanan ng hangin mo noon, puwedeng mauwi ito sa kamatayan. Anaphylactic Shock ang tawag dito." "Yes. And if your airway completely closes then, it can lead to death. It's called Anaphylactic Shock."

"Ha! Puwede akong mamatay dahil sa allergy lang?" gulat na sabi ni Patrick.

"Oo! Hindi biro-birong bagay ang magka-allergy! paliwanang ni Tita Leah. "Yes! Allergies are no joke!" explained Aunt Leah.

"A-na-pi-lak-tik shak?" bulong ni Julia sa sarili. "W-na-pi-lak-tik shak?" Julia whispered to herself.

"Mabuti po pala at naagapan akong dalhin sa doktor ni Mommy para main-jectionan agad! E, pero bakit po si Lolo BAyani hindi nagka-allergy sa kagat ng putakti? pangungulit pa ni Patrick. "It's a good thing that Mommy was able to take me to the doctor to be injected right away! Well, why didn't Lolo BAyani get allergic to the wasp sting? Patrick continued to tease.

Maaring mas maayos ang takbo ng kanyang Immune System kaysa sa 'yo!" Maybe his Immune System is running better than yours!"

Sa narinig ay agad tumayo si Lolo Bayani at nagmamalaking ipinakita ang malalaki niyang masel sa braso. "O, e, sino bang matanda rito, ha? Upon hearing this, Lolo Bayani immediately stood up and proudly showed off his big muscles on his arms. "Oh, well, who's old here, huh?

Malakas na tawanan ang sumunod. Loud laughter followed.

Naubos na ang ice cream pero hindi pa rin matapos-tapos ang kuwentuhan. Isa-isang binigyan ng bagong ihaw na barbercue ang lahat ng nasa dulang. Pabiro namang nag-tanong si Tito Bong. "O, sino ang allergic sa berbecue at ako na lang ang kakain ng share niya?" The ice cream has run out but the story is still not over. Everyone on the stage was given a freshly grilled barbercue one by one. Tito Bong asked jokingly. "Oh, who's allergic to barbecue and I'll be the only one to eat his share?"

"Aba, naku, wala yatang taong allergic sa ice cream at barbecue!" kumumpas pa ang kamay ni Lola Ada nang magsalita. "Oh, my, I don't think anyone is allergic to ice cream and barbecue!" Lola Ada's hand even gestured when she spoke.

"Ano kung gayon ang pangontra sa allergy?" tanong ni Tita Leah sa mga bata. "What then is an allergy shot?" Aunt Leah asked the children.

"E, di dapat po ay pigilan ang pagdami ng histamine!" mungkahi ni KC. "Well, it shouldn't stop the increase of histamine!" suggested KC.

"Tama!" At dinampot ni Tita Leah ang isang banig ng tableta. Sinenyasan niya si KC na basahin ang nakasulat sa kulay pilak na sisidlan ng gamot. "Right!" And Aunt Leah picked up a pill mat. He motioned KC to read what was written on the silver medicine container.

"An-ti His-ta-min. Anti-Histamine? Kontra sa histamine? "An-ti His-ta-min. Anti-Histamine? Against histamine?

"Korek! Ang tawag sa gamot na pangontra sa allergy ay ...anti-histamine!," Natutuwang sagot ni Tita Leah. "Correct! Anti-allergy medicine is called ...anti-histamine!," Aunt Leah answered happily.

"Naku ang gagaling talaga ng mga apo ko," Nasisiyahang tugon ni Lolo Bayani. "Oh my grandchildren will get better," Lolo Bayani replied with satisfaction.

"O, tandaan n'yo ha, sa susunod na magbibiyahe tayo o mag-a-outing, huwag kalilimutang dalhin ang maliit na tabletang ito," singit pa ni Tito Bong. "Oh, remember, the next time we travel or go outing, don't forget to bring this little pill," Tito Bong interjected.

Matapos maglaro ng badminton sa beach, humirit pa ng tanong si Kuya Joshua kay Tita Leah. "Yun po bang alikabok may protein din?" After playing badminton on the beach, Kuya Joshua asked Aunt Leah a question. "Is that dust with protein too?"

"Alam mo, kapag sinilip natin sa microscope ang mga alikabok, magugulat ka kasi makakakita ka ng maliliit na insektong gumagalaw. Dust mite ang tawag dun. Kapag nalanghap mo ito, ' yun ang may taglay na protein." "You know, when we look at dust under a microscope, you'll be surprised because you'll see small insects that move. It's called a dust mite. When you inhale it, it's the one with the protein."

"Ha?! May lamang mga organismo din pala ang mga alikabok!" hindi makapaniwalang sabi ni Lola Ada habang pinapag-pag ang suot niyang daster. "Huh?! The dust has organisms too!" Lola Ada said in disbelief as she patted her duster.

"Sa taong hindi allergic sa alikabok, walang kaso kung malanghap man nila ito. Pero ibang usapan na kung allergic sa alikabok ang taong nakalanghap nito!" "For a person who is not allergic to dust, there is no case if they inhale it. But it is a different matter if the person who inhales it is allergic to dust!"

"Dapat po pala ay umiwas kami kung saan kami allergic!" sabi ni Joshua. "We should avoid where we are allergic!" Joshua said.

"Oo nga po, para hindi na ulit malito ang aming Immune System!" "Yes, so our Immune System won't get confused again!"

"At paano kung hindi makaiwas?" paniniyak ni Tita Leah. "And what if it can't be avoided?" Aunt Leah cried.

"Dapat po'y may baon kaming gamot laban sa histamine!" At sabay sabay na nagtawanan ang magpipinsan. "We should have some anti-histamine medicine!" And the cousins laughed at the same time.

Bago tuluyang naghiwa-hiwalay ang magpipinsan ay pinangalanan pa nila ang kanilang grupo: "D Allergic Company!" Before the cousins finally broke up, they even named their group: "D Allergic Company!"

Nasa van na ang lahat nang mag-spray ng pabango sa sarili si Tita Mavee. Di nagtagal ay biglang nakarinig sila ng sunud-sunod na pagbahing sa dakong likuran ng sasakyan. Everyone was in the van when Aunt Mavee sprayed herself with perfume. Soon they suddenly heard a series of sneezes in the back of the car.

Sino kaya yun? Who is that?

"Naku, Lola Ada huwag n'yong sabihing may allergy po kayo sa perfume?" gulat na tanong ng mga apo. "Oh, Lola Ada, don't tell me you're allergic to perfume?" the grandchildren asked in shock.

Puro tango na lamang ang naisagot ni Lola Ada habag inaapuhap ang isang kahon ng tissue paper upang punasan ang tumutulo niyang sipon. Lola Ada could only nod in response as she fondled a box of tissue paper to wipe her dripping cold.