13.6 Pagsasanay - (Iskedyul ng guro sa isang unibersidad)
Iskedyul ni Trina Santos, isang guro sa isang unibersidad sa Quezon City
- Nasaan si Trina sa Mayo? Nasa Canada si Trina sa Mayo.
- Saan pumunta si Trina noong Abril? Pumunta si Trina sa New York noong Abril.
- Ano ang ginawa ni Trina noong Pebrero? Dumalo si Trina sa isang kumperensiya sa San Diego noong Pebrero.
- Ano ang ginagawa ni Trina tuwing Mayo? Nagbabakasyon si Trina sa Canada tuwing Mayo.
- Ano ang ginagawa ni Trina mula Hunyo hanggang Oktubre? Nagtuturo si Trina mula Hunyo hanggang Oktubre.
- Saan pupunta si Trina sa Oktubre? Pupunta si Trina sa Baguio sa Oktubre.
- Ano ang gagawin ni Trina sa Oktubre? Dadalo si Trina sa workshop sa Oktubre
- Nasaan si Trina sa Disyembre? Nasa Cebu si Trina sa Disyembre?
- Ano ang gagawin ni Trina sa Disyembre? Dadalo si Trina sa “ family reunion ” sa Disyembre. Lalangoy si Trina sa dagat sa Disyembre.